Bukas na mapapanood ng mga Kapuso ang inaabangan na anniversary offering ng nangunguna at award-winning gag show na Bubble Gang.
Bubusugin kayo nila Michael V at lahat ng mga Kababol sa mga pasabog na performances at mga jokes na hahagalpak kayo sa kakatawa.
Ayon sa panayam ng GMANetwork.com kay Arra San Agustin, kaabang-abang ang mga gagawin ng mga Bubble Gang stars sa anniversary special.
“Well expected naman talaga since the very first year na funny naman talaga ‘yung Bubble Gang, so expect nila na magsu-sustain ‘yung ganung level of funniness, well actually hindi mas ma[ta]-top off.”
Hindi naman nakalimutan na tumanaw ng utang na loob ni Mr. Abs ng Bayan na si Jak Roberto sa mga taong palaging sumusubaybay sa kanilang gag show.
“Mga Kababol! Siyempre suportahan n'yo pa rin ang Bubble Gang ang 21st anniversary special namin. Marami pang mga gags, marami pang nakakatawang mga sketch ang gagawin namin dito para sa inyo. Para mabuhay lagi ang Friday ninyo.”
MORE ON 'BUBBLE GANG':
WATCH: Which PPAP version is better, Michael V or Jacky Woo's?
WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week
IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'