
Mabigat ang role na ginagampanan ni Inah de Belen sa GMA Afternoon Prime soap na 'Oh, My Mama!' May acting tips kayang ibinigay ang kanyang ina na nakilala noong 80s bilang isang dramatic actress?
Nasungkit ng baguhang Kapuso actress na si Inah de Belen ang title role ng bagong GMA Afternoon Prime soap na Oh, My Mama! na nag-pilot kaninang 2:30 ng hapon.
Sa trailer pa lamang ng serye ay puno na siya ng emosyon bilang si Maricel Reyes o Mama Cel na may limang batang inaalagaan. Bilang anak si Inah ng award-winning actress na si Janice de Belen at actor na si John Estrada, hindi nakakapagtataka kung bakit marunong rin umarte si Inah.
READ: Janice de Belen on daughter Inah: ‘She has big shoes to fill’
Hindi naman raw siya tinuruan ng kanyang ina na dating kilala bilang Teen Drama Princess noong 80’s. Saad ng 22-year-old actress sa Unang Hirit, “Actually, wala siyang ibinibigay sa akin na acting advice kasi sabi niya, you don’t really teach acting talaga, it’s innate. You have to know yourself para makaarte ka ng tama. Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Just be yourself, concentrate and makinig ka.’”
Pagpirma ni Inah sa Kapuso network noong nakaraang buwan, agad siyang sumabak sa workshop at tapings kasama ang kanyang leading men na sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.
Walang naging problema ang dalaga sa kanyang mga katrabaho, “Super saya kasi nagtutulungan kami, may camaraderie na kaming tatlo which is good.”
Maging ang kanilang set ay smooth sailing rin daw, ayon kay Jake. “Sobrang saya kasi ang daming bata, ang daming makukulit eh, lalo na ‘yung si Dave [Remo].”
Tugon naman ni Inah, “Sobrang kulit niya pero all of them [are] very professional naman ‘pag kailangan nang mag-taping. It’s nice to have at least happy energy on set kasi mabigat talaga ‘yung story.”
Nagpapasalamat naman si Jeric dahil tuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto, “Sobrang happy and proud kasi after ng Once Again at Destiny Rose [ay] nabigyan ulit ako ng chance ng GMA na mapasama dito. This is a very good opportunity to show that I’m very, very happy.”