
Pugolot ang bagong klase ng balut na tinalakay nitong February 23 sa Amazing Earth.
Ayon sa kuwento ni Dingdong Dantes, ang pugolot ay itlog ng pugo na ginawang balut. Bukod sa pagkakaroon nito ng masarap na lasa at pampalakas ng tuhod, kilala rin umano ito bilang isang aphrodisiac.
Sa Las Piñas naman matatagpuan ang sikat na bamboo organ na may edad na 200 years. Alamin ang history nito na matatagpuan sa St. Joseph Parish Church.
Samahan muli si Dingdong Dantes na maglakbay, mag-enjoy at matuto sa susunod na Linggo sa Amazing Earth.