
Going strong pa rin ang 10-month relationship ng Kapuso love team and real life couple na sina Inah de Belen at Jake Vargas. Ano naman kaya ang masasabi ng families and loved ones nina Inah at Jake sa kanilang relasyon?
Ayon sa kanilang panayam sa 24 Oras, sinabi ni Inah na tanggap raw ng kaniyang mommy na si Janice de Belen si Jake sa tuwing dumadalaw ito sa kanila. Nabanggit din daw ng kaniyang mom na tahimik lang si Jake.
Ani naman ni Jake na paminsan-minsan daw ay lumalabas silang dalawa kasama ang family kapag nanoonood ng sine.
Wika ni Inah, mahalaga raw para sa kaniya ang pagiging family-oriented ni Jake at nagiging paraan nila ito upang mag-bond at mas makilala pa ang isa't-isa, "Si Jake, close siya sa family niya, and ako, sobrang close ako sa family ko. [On] that level, doon kami nagbo-bond kasi we're both close to our families, malaking bagay 'yon."
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas below: