
Bilang katuwaan ng 'Idol sa Kusina,' isang surprise kasama si Jerald Napoles ang inihandog para kay Bettinna.
By ANN CHARMAINE AQUINO
Last Sunday (December 20), isang birthday special ang hatid ng Idol sa Kusina para kay Bettinna Carlos. Si Bettinna ay magsi-celebrate ng kanyang birthday sa darating na Pasko, December 25.
Bilang katuwaan ng Idol sa Kusina, isang surprise kasama si Jerald Napoles ang inihandog para sa kanilang sous chef.
WATCH: Jerald Napoles, sinorpresa si Bettinna Carlos sa 'Idol sa Kusina'
Sa Instagram post ni Bettinna, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa sorpresa ng Idol sa Kusina at ni Jerald para sa kanya.
Aniya, "Uy @iamjnapoles nagulat talaga ko! Paglingon ko may cake pagtingala ko ikaw pa may hawak! Hahaha galing ng #IdolSaKusina magsurpresa."
"Siyempre ineexpect ko anak ko! Haha saya ng episode lalo dahil sa kakulitan ninyong tatlo nila Boobay at Kuya John! HAAAAPPY BIRTHDEIIIII!!!! Thank you! #caughtoffguard," dagdag ni Bettinna.
LOOK: 7 reasons why Bettinna Carlos and Gummy are the perfect holiday hosts