
Maraming celebrity at netizen ang napabilib sa kaseksihan ng Bubble Gang comedienne Valeen Montenegro na kamakailan ay nasa Cebu para sa taping ng summer special ng Kapuso gag show.
#BikiniWar: 'Bubble Gang' girls, nagpatalbugan ng kanilang bikini photos sa Cebu!
Ipinasilip ng sexy Kapuso star sa Instagram ang resulta ng lahat ng hirap niya sa pagwo-workout at confident na nagsuot ng isang orange-colored two-piece bikini.
Biniro pa nga siya ng Kapuso comedian/host na si Divine Tetay nang sabihan siya na 'borta.'
Silipin ang sagot ni Valeen Montenegro sa funny post ni Tetay.
Sunod-sunod din ang magagandang comments ng celebrity friends ni Valeen na napahanga sa ganda ng kaniyang katawan.