What's Hot

Ano ang relationship status nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid?

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 2:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Nanliligaw na ba si Ruru kay Gabbi?


"Kontento ako ngayon sa friends at family ko. 'Di kasi ako exposed sa [mga] lalaki growing up so 'di ko masyadong naiisip," 'yan ang sambit ni Gabbi Garcia nang tanungin kung gusto na raw ba niyang pumasok sa isang relasyon sa press conference ng kaniyang debut na pinamagatang #SincerelyGabbi.

Inamin naman ni Gabbi na kahit ilang siya sa mga lalaki, close na close naman sila ng ka-love team niya na si Ruru Madrid, "Hindi ko ide-deny na talagang extra care siya sa akin, pumupunta siya sa house and then nagdadala siya ng food for my family." 

Ngunit hindi pa raw nanliligaw ang Kapuso actor kay Gabbi.

Aniya, "Si Ruru kasi 'yung tradition niya old din so kung manliligaw man siya, I'm sure sasabihin niya."

Nagkuwento rin si Gabbi ng isa sa mga pinaka-sweet na gesture na ginawa ni Ruru para sa kaniya.

"Siguro 'yung time na nagkaroon kami ng tampuhan. I forgot kung baket [pero] mga ilang days kaming hindi nag-usap tapos bigla na lang siyang nag-doorbell tapos may dala siyang cake," ani Gabbi.

Lastly, malaki ang pasasalamat ni Gabbi sa presence ni Ruru sa kaniyang life, "Thankful ako na may nag-aalaga [sa akin], ito pala 'yung feeling? Iba kasi 'yung alaga ng parents, iba 'yung alaga ng sister, ganito pala 'yung feeling na maalagaan ng isang Ruru."

MORE ON GABBI GARCIA:

IN PHOTOS: Gabbi Garcia's pictorial for her upcoming debut, #SincerelyGabbi

Sino-sino ang mga celebrities na dadalo sa debut ni Gabbi Garcia?

WATCH: Gabbi Garcia, inaming kinilig nang makaharap ang original Sang'gre Alena na si Karylle