What's Hot

Ano ang sagot ng AlDub sa tanong na "Anong month naging kayo?"

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 9:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TNVS driver files complaint vs PNP-HPG personnel for extortion
Durian farmers in Davao City bracing for El Niño threat
'Star Wars: The Return of the Jedi in Concert' is coming to Manila

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin! 


Isinalang ni Nelson Canlas sina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang mabilisang Q & A (question and answer) nang makapanayam niya ang dalawa sa press conference ng kanilang upcoming film na "Imagine You & Me."

LOOK: EXCLUSIVE: At the press conference of "Imagine You & Me"

Mabilis nilang sinagot ang mga simpleng tanong tulad ng middle name ng isa't isa at one word to describe each other, pero tila nag-alinlangan ang dalawa nang tanungin kung kailan naging sila.

"July, July 16," sabay nilang sagot, referring to the date na nabuo ang AlDub.

Hindi nakapagpigil si Nelson at tinatanong kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon ngayong mas nagiging malapit na sila sa isa't isa.

"Kami naman po, kahit sinong tao naman kapag mayroon kang laging nakakasama araw-araw, lagi mong nakakausap, talagang mayroong tendency na maging sobrang close nila. 'Yun kami ngayon ni Maine, sobrang close," saad ni Alden.

"Sa relationship po namin ngayon, masaya ako, kasi masaya kami," dagdag ni Maine.

Wala bang label ang kanilang relationship?

Ani Alden, "Labels or not, it's just a happy relationship."

 

MORE ON ALDUB:

International screenings ng 'Imagine You & Me,' nadagdagan

Alden Richards at Maine Mendoza, sorpresang binisita ang kanilang fan