
Inilista kamakailan ng Ang Pinaka ang mga pinakapatok na TV formats sa mga Pinoy. At ito ang sampung napabilang sa kanilang listahan:
1. Teleserye
2. News program
3. Magazine program
4. Comedy show
5. Variety show
6. Documentary
7. Talent search or reality show
8. Drama anthology
9. Sitcom
10. Talk show
Nanguna sa listahan ng patok na TV formats ang teleserye. Hindi na bago ang pagkahilig ng mga Pinoy sa mga teleseryeng inaabangan araw-araw, mula Lunes hanggang Biyernes. Ang mga teleserye o soap opera ay madalas na mataas ang viewership, kahit na sa umaga, hapon, o gabi man ito umeere. Ang ilan pa ngang teleserye ay talagang kinahuhumalingan ng mga manonood at nagtatagal sa TV ng maraming taon. Ang ilan sa halimbawa ng mga Kapuso teleserye na talagang nagmarka sa mga Pinoy ay ang Encantadia, Mulawin, Darna, at My Husband's Lover.
Pero bakit at paano nga ba nahilig sa teleserye ang mga Pinoy? Alamin 'yan sa sa Ang Pinaka: