
Sa isang vlog ni Carmina sa kanyang YouTube channel, sinagot niya ang tanong ng mga netizens at fans tungkol sa love teams ng kanyang mga anak na sina Cassy at Mavy.
Si Cassy ay nali-link ngayon sa young singer na si Darren Espanto.
Courtesy: darrenespanto (IG)
Kinakikiligan din ng marami ang tambalang Mavy at Kyline Alcantara.
Courtesy: officialmavline (IG)
Pumili si Carmina ng ilang katanungan mula sa kanyang Instagram account at isa na rito ay kung ano ang reaksyon niya sa loveteams ng kanyang mga anak?'
Sagot ni Carmina,“Hindi naman po sila magka-love team, pero meron kasing CassRen.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng tagasuporta ni Cassy 'tsaka ni Darren kahit na wala silang something together.”
Ayon kay Carmina, mabait naman daw si Darren.
"Wala akong masasabi kay Darren. Darren is a good boy. Every time we would see each other na hindi naman po madalas, kasi bawal naman…Pero yung mga few times na magkikita kami before sa work, very magalang, very respectful siya… And even before this, kasi magkaibigan din sila, not only Cassy but also din si Mavy. So, group of friends sila so, okay ako, wala naman akong problema."
Courtesy: darrenespanto (IG)
Kahit walang proyekto si Cassy at Darren na magkasama at kahit nasa magkaibang TV network, nagpapasalamat pa rin si Carmina sa mga fans na bumuo ng tambalang CassRen.
Matapos sagutin ang tungkol sa CassRen, ibinahagi na rin ni Carmina ang kanyang reaksyon tungkol naman sa ka-love team ni Mavy na si Kyline.
"I've worked with Kyline. Kilala ko si Kyline. Okay lang naman ako. Tsaka even before silang magka-love team ni Mavy, magkaibigan kasi sila. So, mas kampante ako, mas at ease ako. Alam ko yung anak ko very comfortable sa ka-love team niya because they're really good friends. So, I'm okay with their loveteam,” kwento ni Carmina.
Ang young Kapuso actress na si Kyline ay nakatrabaho ni Carmina sa Kapuso primetime drama series na Kambal, Karibal noong 2017.
Sina Mavy at Kyline ay mapapanood bilang magkatambal sa upcoming Kapuso teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.
Ang 20-year-old twins ay mga anak ni Carmina at Zoren Legaspi.
Courtesy: mina_villaroel (IG)
Kilalanin pa ang pamilya ni Carmina Villaroel sa gallery na ito: