What's on TV

Ano na ang mangyayari kina Ivan, Andeng, Otep at Bethany?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 10:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang magiging kapalaran ng mga tauhang binigyang buhay nina Dennis Trillo, Kris Bernal, Rocco Nacino at Lauren Young sa final episode ng 'Hiram na Alaala'.
By MICHELLE CALIGAN



Sino nga ba ang pipiliin ni Andeng, si Ivan o si Otep? Mapapatawad ba ni Ivan si Otep sa nagawa nito sa kanyang ina? Pakakawalan kaya ni Yasmin si Otep? Makukulong ba si Bethany dahil sa pagtangka niya sa buhay ni Andeng?

Ito ang ilan sa mga tanong na mabibigyang kasagutan sa pagtatapos ng primetime drama na Hiram na Alaala ngayong Biyernes, January 9.

Pagkatapos makaligtas sa kamay ni Bethany, uuwi si Andeng kina Annabel. Makikusap sa kanya si Yasmin na pakawalan na si Otep alang-alang sa kanyang anak. Papayag kaya si Andeng?

Panahon ang hinihingi ni Ivan bago mapatawad si Otep. Bukod dito, hindi rin siya sigurado kung siya ang pipiliin ni Andeng pagkatapos ng lahat ng nangyari. May pag-asa pa kaya siya sa dalaga?

Patuloy na susuyuin ni Otep si Andeng kahit na magkakaanak na sila ni Yasmin. Matatanggap kaya niya kung hindi siya ang pipiliin ni Andeng?

Dahil sa kanyang ginawa kina Andeng at Xander, lalong magiging magulo ang buhay ni Bethany at masisiraan siya ng bait. Maipagpapatuloy kaya niya ang buhay pagkatapos nito?

Alamin ang magiging kapalaran ng mga tauhang binigyang buhay nina Dennis Trillo, Kris Bernal, Rocco Nacino at Lauren Young sa final episode ng Hiram na Alaala, pagkatapos ng Once Upon A Kiss, sa GMA Telebabad.