
Isang misteryo ang nagsisimulang bumalot sa tahimik na bayan ng Tumahan sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Isa-isa kasing dinudukot ng mga armadong kalalakihan ang mga Atubaw na nakatira dito.
Ano nga ba ang mga Atubaw, ang lahing pinanggalingan ni Lolong (Ruru Madrid)?
Noong unang panahon, sikretong nakatira ang tribong ito sa Isla Pangil kung saan malapit sila mga buwaya na itunutiring nilang mga kaibigan.
Kapag narating ng isang Atubaw ang wastong edad, magkakaroon siya ng kakayanang agad na pagalingin ang sarili niyang mga sugat. Habang nangyayari ito, panandaliang nagiging berde ang kanyang mga mata.
Kahinaan ng mga Atubaw ang pangil ng buwaya dahil ang sugat na dulot nito lang ang hindi nila kayang pagalingin kaagad.
Sa kasalukuyang kuwento ng Lolong: Bayani ng Bayan, napag-alaman nang ang makapangyarihan businessman na si Julio (John Arcilla) nasa likod ng pagdukot sa mga Atubaw.
Ano kaya ang plano niya sa mga ito?
Alamin 'yan sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.
Kilalalin ang lahi ng mga Atubaw dito:
SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN: