What's Hot

Ano nga ba ang task ni Iya Villania bilang color commentator sa 'Lip Sync Battle Philippines?'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 8, 2020 8:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Iya on hosting LSBP: "Ang purpose ko lang dito ay mag-enjoy [laughs]."


By FELIX ILAYA

Marami ang nagtatanong kay Iya Villania tungkol sa kaniyang role bilang color commentator sa Lip Sync Battle Philippines at sa wakas ay nabigyan ito ng linaw nang sumabak ang TV host/actress sa press conference ng naturang show.

Biro ni Iya, wala siyang ibang gagawin sa Lip Sync Battle Philippines kung hindi ang mag-enjoy.

"Ang purpose ko lang dito ay mag-enjoy [laughs]."



Sagot naman ng kaniyang co-host na si Michael V, na-curious din siya sa kahulugan ng color commentator kaya hinanap niya ito sa Google.

Aniya, "Mostly sa sports ginagawa ito, bukod doon sa [sports] commentator; para siyang analyst! Kasi ano siya eh, pinalalabas na parang sports 'yung Lip Sync Battle so 'yun na 'yung pagkakahawig sa sports. Isa din si Iya ang masasabing kong expert pagdating sa lip-syncing."

Dagdag pa ni Iya, ang mga comments niya are all for good fun.

"Pero siyempre 'di seryosong analyst ako dito. I'm pretty much the audience packed into one person."

Tinanong din si Bitoy sa specific responsibilities ng host ng Lip Sync Battle Philippines.

Ayon kay Bitoy, "Siguro 'yung [responsibilities ko ay ang] pag-i-introduce sa kanila [competitors] at pagha-hype-up ng mga gagawin nila. Isa pang medyo mabigat na task na ibinigay sa akin is to actually judge kung sino [ang] mananalo. Isa sa mga pinakamahirap yata na ginawa ko sa buong showbiz career ko. Hiningi ko pa 'yung opinyon ni Iya at 'yung [representative ng] Lip Sync Battle USA."

MORE ON LIP SYNC BATTLE PHILIPPINES:

Michael V on hosting 'Lip Sync Battle Philippines': "Walang atrasan 'to, walang bawian 'to"

WATCH: Michael V at Iya Villania, napasabak sa isang lip reading challenge

'Lip Sync Battle Philippines,' may pasabog sa pilot episode nito sa February 27