
"...Gusto ko lang ituloy ang buhay na masaya na simple na nagpapasaya ng tao through my music. I just want to continue that." - Charice Pempengco
Sa interview ni Charice sa Yan Ang Morning!, inamin ng singer na kontento na siya sa kung ano mang meron siya ngayon.
Ika niya, “Wala na [akong maihihiling pa,] Kasi buong buhay ko naman, hindi ko naman hiniling, hinayaan ko lang dumating sa buhay ko. So, I'll just continue to live my life, and wait for more challenges.”
Kumanta rin ng mga hugot songs si Charice sa kanyang guesting sa show. Kinanta niya ang 'I’m Not The Only One' ni Sam Smith at ang 'Love The Way You Lie' ni Rihanna.
MORE ON YAN ANG MORNING!:
Ano ang sinasagot ni Jerald Napoles 'pag sinasabihan siyang "ang gwapo mo pala?"
Kris Bernal, umaming magulo ang love life ngayon