
Bb. Joyce to AlDub: "Ramdam ko 'yung emosyon na pinakawalan n'yong dalawa."
Super impressed ang batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal sa performance na ibinigay nina Maine Mendoza at Alden Richards sa Holy Wednesday episode na "God Gave Me You" na parte ng Eat Bulaga Lenten special.
Ayon sa Tweet ni Direk Joyce kahapon (March 22) habang ini-edit ang "God Gave Me You" episode ay ramdam na ramdam daw niya ang emosyon nina Maine at Alden sa bawat eksena.
Editing feels. Ramdam ko yung emosyon na pinakawalan nyong dalawa. Magagaling at nakakakilig ang mga eksena. pic.twitter.com/RAhoMWo42S
— Joyce Bernal (@direkbinibini98) March 22, 2016
Nagpasilip din ang box-office director sa Twitter ng ilan sa mga eksena sa shooting nila.
Motivating the phenomenal queen @mainedcm for an intense scene. Can't wait for GGMY tomorrow! #EBHolyTuesday pic.twitter.com/MToCyEPrMM
— Joyce Bernal (@direkbinibini98) March 22, 2016
Hindi rin daw dapat palampasin ng mga dabarkads ang Eat Bulaga Lenten special ngayong araw dahil mapapabilib kayo sa ibang level na acting ng mga artista na kasama sa episode.
I know you are all excited to watch GGMY. Makikita nyo ang ibang level ng pag arte ni @mainedcm
— Joyce Bernal (@direkbinibini98) March 22, 2016
MORE ON ALDUB:
Maine Mendoza's TVC for big local bank trends!