Article Inside Page
Showbiz News
Noong Sunday last week, sinorpresa ni Jolina ang kanyang mga fans with her new pixie cut. Pero bakit nga ba niya ito ginawa?
You've probably seen the new hairdo that Jolina Magdangal is sporting by now. Noong Sunday last week, sinorpresa ni Jolina ang kanyang mga fans with her new pixie cut. Pero bakit nga ba niya ito ginawa? Text and Photos by Jason John S. Lim.
Gabi ng January 9, Friday, nang huli naming makita si
Jolina Magdangal with her glossy hair pulled back in a ponytail. Pero laking gulat ng iGMA when Jolina appeared in
SOP's opening number with a big change—she cut her hair short!

"Sabado ng umaga," sabi ni Jolina kung kailan nangyari ang pagkakaputol sa buhok niya. That's what she told us noong matanong namin siya about the haircut. According to her, "Dapat 'to, last year pa. Parang in time for my 30th birthday, dapat gupit na ako. Pero, for some reason, hindi ko alam [kung] bakit hindi ako matuloy-tuloy magpagupit."
And so she finally did. Pero bakit ganito ang style na pinili niya?
"Sa akin kasi, gusto ko iba, eh," Jolina says. At kung gugupitin lang raw niya ng pakonti-konti, wala rin naman daw bago doon. It would still be the same hairstyle. "Gusto ko talaga 'yung
iba. Para maiba, talagang i-eexaggerate mo nang ibang-iba."
Dagdag niya na pinag-usapan naman daw nila 'yun nung gumupit sa buhok niya, si Alex Carbonel ng Propaganda. "Sabi ko, puwede natin siguro i-bob cut lang muna, or i-layer. Pero uso 'yung pixie look, eh. Pixie, 'yung parang ginupit lang ng bata." And since according to Alex, layered cuts were about to go out of style, Jolina told her to go for the pixie look.
"Wala na akong pakialam, eh. Sa akin, kung ano na. Noon ko pa gusto talaga magpagupit, eh," kuwento pa niya. Ang naging problema nga lang, parang lalong lumamig ang panahon just when she decided to cut her hair short.
"'Yun na nga!" Jolina exclaims. Kinuwento niya that the first time she cut her hair short, mainit daw kasi ang panahon. Tinatanong pa nga raw siya ng mga tao kung bakit siya nagpagupit, kung nag-break ba raw sila ng boyfriend niya. "Sabi ko hindi; gusto ko lang, ang init, eh." And, she adds, mainit naman daw talaga noong mga panahon na iyon.
"Ngayon, hindi ko na ma-explain na mainit—kasi ang lamig!" she laughs. "Pero masaya pa rin ako na naganito ko 'yung buhok ko." Besides, sabi ni Jolina, hindi na naman daw siya natatakot maging risky sa haircuts, after niyang magpa-apple-cut noon.
With her new hair, we had to ask kung ano ang naging reaction ng mga tao when they saw her. Natatawang sinagot ni Jolina, "Nagulat sila! Akala nga nila nung una, wig!"
Jolina says that just to show them that she did indeed have a hair cut, kinakamot raw niya 'yung ulo niya sa harap ng mga tao, ginugulo niya. "Para malaman nilang hindi siya wig, totoo siya." But it seems her colleagues didn't need a lot of convincing, dahil na nga rin sa pagkakauso ng style. Ang naging problem lang daw, mukhang masyadong natuwa ang kanyang mga kasamahan sa buhok niya.
"Kailangan kasi, 'yung style na ganito, naka-spike siya talaga," paliwanag ni Jolina. So last Sunday, throughout
SOP, pataas ng pataas ang buhok ni Jolina from the opening number hanggang kinanta niya ang last performance niya for that episode.
"Nung opening nga hindi pa ganoon, hanggang sa ang daming sumasabunot sa akin. Ang dami talaga, [na] bago ako sumalang, ang daming [nagsusubok umayos] sa akin. Sabi ko, 'dahan dahan lang, tatayo 'yan.' Walang biro, ah! Hilong-hilo na talaga ako [sa kakaayos nila]—parang 'Sandali lang, magspa-spike yan! 'Wag niyo akong saktan, wala akong ginagawa sa inyo.' So 'yun 'yung kinalabasan niya. Kung mapapansin mo, from opening hanggang doon sa "Tell Me," parang tsaka lang siya na-spike. Nung last number na nangyari. Sa dami ng products, dami nang sumabunot at nakialam sa buhok ko."
But still,
Jolina doesn't mind. Ang challenge na lang niya sa sarili niya ngayon is to find the right hair product para hindi na niya kailangan dumaan sa maraming sabunot bago maayos ang kanyang buhok.
"Medyo pihikan [kasi] ako sa product ng buhok dahil madali akong mag-pimple eh. Mamaya may product 'yan, tapos 'yung product oily, pag tumama [sa skin], pimple agad. Kailangan ko talagang alamin kung ano 'yung tamang product, para konting ganun, nagspa-spike siya."
And while Jolina doesn't regret her haircut, she does conclude na mas mahirap i-maintain ang short hair kesa sa long hair. "Pero alam kong marami pa akong magagawa sa buhok na 'to. Ayaw kong mawalan ng pag-asa."
May naiisip ka bang style suggestions para kay Jolina? Then why not tell Jolina yourself? Just text JOLINA
to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
And don't miss her in all her GMA shows! Wake up early with Jolina through Unang Hirit, on weekday mornings. Experience a concert without having to leave the confines of your home through SOP, and get advice from her right afterwards on Dear Friend every Sundays.