
Viral ngayon ang video ng pagbubukas ng birthday gift ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mula sa kanyang mga staff.
Saad ni Bryant Wong sa kanyang Facebook post, "Sa aming Mayor, kaibigan, barkada, kapamilya, kapuso, at kapatid...HAPPY HAPPY BIRTHDAY MAYOR VICO!"
Sa video na ito ay tila hindi matapos ang pagbubukas ni Mayor ng wrapper at box at aliw na aliw naman ang kanyang staff sa panonood sa kanya.
Biro pa ni Mayor Vico, "Kung ayaw niyong buksan 'to sana sinabi niyo na lang!"
Pagpapatuloy naman ng post ni Bryant, "Sa halos 1 year natin sa public service, YOU MAKE US PROUD and also ANG SAYA NA NAGING PART KAMI NG TEAM MO! Tandaan mo, andito lang kami naka-alalay sayo! 🇵🇭"
"2nd day pa lang nung July 2, 2019 may MCI na agad nun, tapos ngayon 3 buwan na COVID naman na pandemic...pero palagi kong naaalala na sabi mo ay MALALAGPASAN DIN NATIN ITO!"
Inilahad din nito na deserve ng Mayor na magkaroon ng light moment dahil sa walang sawa nitong serbisyo sa Pasig.
"Note: deserve mo itong light moment sa iyong kaarawan after all the service na ginawa mo sa lahat ng PASIGUEÑOS Salamat sa mga nagbalot ng regalo "
Panoorin ang nakakatuwang video ni Mayor Vico para makita ang laman ng kanyang box na natanggap:
WATCH: Baby Tali greets kuya Vico Sotto
Coney Reyes posts childhood photos of Vico Sotto as he celebrates 31st birthday