
Gustong-gusto pa naman itong ginagawa ni Regine para sa kanyang unico hijo.
Sa usapang mommy na ginanap nitong Sabado, January 14 sa Sarap Diva, ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid ang paboritong ginagawa niya para sa kanyang anak na si Nate.
IN PHOTOS: Sarap maging mommy with Iya Villania and Gladys Reyes sa 'Sarap Diva'
Kuwento ni Regine, gustong-gusto niyang kinakantahan ang kanyang anak.
Aniya, "Isa sa mga favorite kong ginagawa sa anak ko noong baby pa talaga siya eh 'yung kantahan siya. Nagre-respond talaga siya."
Tinanong naman nina Iya Villania at Gladys Reyes kung gusto rin ba ni Nate ang signature birit ng Asia's Songbird.
Saad ni Regine, "Type niya 'yun. 'Pag mataas 'yung boses ko parang naa-amaze siya. Tuwang-tuwa siya."
Isang nakakatawang bahagi ng kuwento ni Regine ay ang pagbabago sa taste ni Nate sa pagkanta niya ngayong five years old na ito. Ayon kay Regine, tuwing bumibirit na siya nagtatakip ng tainga si Nate at sinasabing, "Mommy, you're too loud."
Nakisali naman ang Inday ng Sarap Diva na si Terry Gian sa kuwentuhan dahil kailangan niya umanong kausapin si Nate. Biro ni Terry, "Don't you know what's that? It costs a lot!"
WATCH: Mom talks with Iya Villania and Gladys Reyes sa 'Sarap Diva'
MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID:
Regine Velasquez-Alcasid says 2017 will be great because of Leila Alcasid