What's on TV

Ano'ng ginawa ni Kevin Santos nang maipit siya sa LQ?

By Cherry Sun
Published November 23, 2017 4:48 PM PHT
Updated November 23, 2017 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

‘At least 200’ feared dead in landslide at DR Congo mine
Ilongga PWD clinches gold in fencing in Thailand
Farm to Table: (February 1, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang kuwentuwaang pinamagatang Torn Between Two Beshies sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang 'Dear Uge' ngayong Linggo, November 26.

Maiipit si Kevin Santos sa isang lover’s quarrel ng kanyang matatalik na kaibigan sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, November 26.
 
Gaganap si Kevin bilang ang flamboyant queer na si Kiel, at ang kanyang best friends na sina Heidi (Taki Saito) at Ron (Kenneth Medrano) ay magkarelasyon. Madalas magkasama ang tatlo at hindi isyu kay Kiel ang maging third wheel.
 
Pero, dumating ang kinatatakutan ni Kiel nang mag-away sina Heidi at Ron, at nauwi pa ito sa hiwalayan. Napagitnaan siya ng kanilang LQ, at kinukuha ng dalawa ang kanyang simpatya.
 
Kanino ngayon kakampi si Kiel? Katapusan na rin ba ng friendship nila?
 
Abangan ang kuwentuwaang pinamagatang Torn Between Two Beshies sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, November 26!