GMA Logo LJ Reyes Ethan Akio Summer Ayana and Paolo Contis
Celebrity Life

Ano'ng "maliit na bagay" ang ipinagpapasalamat ni Paolo Contis?

By Cara Emmeline Garcia
Published October 23, 2020 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes Ethan Akio Summer Ayana and Paolo Contis


Naging senti si Paolo Contis sa kanyang Instagram nang ikuwento niya ang mga maliliit na bagay na kanyang ipinagpapasalamat.

Ika nga, “good things come in small packages.”

Kaya naman sobrang thankful ni Paolo Contis nang makalabas ang kanyang buong pamilya noong Sabado, October 17.

Ani ng Kapuso comedian, ito ang una nilang pagkakataong makalabas sa kanilang bahay at makalanghap ng fresh air pagkatapos ma-impose ang enhanced community quarantine noong Marso.

“Last weekend, first time nilang makalabas ng bahay, makalanghap ng fresh air, at makalakad sa bundok na putikan simula nung nag-lockdown!” kuwento ni Paolo.

“Umuwi kami ng sobrang pagod pero sobrang saya! They were sleeping while I was driving… my heart was full… it was a good day.”

Wika pa ng Bubble Gang actor, ang ganitong moments daw ang nagpapataba ng kanyang puso.

“Just reminding everyone to always be thankful.

“Kahit mahirap ang buhay, there's always something (kahit sobrang liit na bagay) to be thankful for.”

Dagdag pa niya, “Wala lang! Senti ako ngayon! Walang pakialamanan!”

Kalakip ng caption nito ang ilang litrato ng kanilang weekend getaway.

Last weekend, 1st time nilang maka labas ng bahay, maka langhap ng fresh air, maka lakad sa bundok na putikan simula nung nag lockdown! Umuwi kaming sobrang pagod, pero sobrang saya! They were sleeping, while i was driving... My heart was full.. It was a good day! 😊 just reminding everyone to always be thankful. Kahit mahirap ang buhay, there's always something (kahit sobrang liit na bagay) to be thankful for..!! Wala lang! Senti ako ngayon! Walang pakialaman! 😊👍😊👍

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Sa comments, maraming fans ang pumuri kay Paolo at nagsabing naging inspirasyon siya sa kanila sa parehong likod at harap ng camera.

“Napapasaya niyo po kami sa harap ng kamera lalo na po sa likod ng kamera. Isa ka pong inspirasyon Sir Paolo,” batid ng isang netizen.

Source: paolo_contis (IG)