What's Hot

Ano’ng mami-miss nina Kim Rodriguez at Joanna Marie Tan sa ‘Strawberry Lane’?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 1:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Happy ang ending ng 'Strawberry Lane' noong Biyernes pero tila malungkot ang cast sa pagtatapos nito. 
By AL KENDRICK NOGUERA
 
Malungkot mang isipin pero nagtapos na noong Biyernes ang Strawberry Lane.
 
Happy ending na maituturing ang finale episode ng Telebabad soap dahil sa huli ay nabuong muli ang pamilya nina Elaine at Monique. Bukod pa rito, nakakakilig din ang pagwawakas dahil nagkatuluyan na ang love teams na Clarissa-Gabo, Jack-Paul, at Lupe-George.
 
Pero kahit na masaya ang ending, bittersweet pa rin ang nararamdaman ng cast members lalo na sina Kim Rodriguez at Joanna Marie Tan. Mami-miss daw kasi nila ang matagal na pinagsamahan sa pagbuo ng Strawberry Lane.
 
“Kasi parang naging routine na namin 'yung buhay namin habang nagtatrabaho kami para sa Strawberry Lane,” pahayag ni Joanna.
 
Ayon naman kay Kim, para na silang pamilya sa taping. Aniya, “Nasanay na kami sa isa't-isa na halos araw-araw kaming magkasama. Kahit Saturday [ay] magkasama kami."
 
Hindi lang daw ang co-stars ang mami-miss nila kung ‘di pati ang mga production staff. “Pati 'yung mga staff at cameraman [ay] sobrang ka-bonding namin,” ani Joanna.
 
Dagdag pa ni Kim, “Hindi lang sa mga artista kami close, [kung ‘di] pati sa lahat, kahit 'yung mga utility.”
 
Ano’ng hindi nila malilimutan sa Strawberry Lane? “’Yung mga biruan sa set at 'tsaka siyempe 'yung mga harutan namin at 'yung mga biruan. Mas nakaka-miss 'yung mga hindi nakikita ng viewers, 'yung nasa likod ng camera,” sagot ni Kim.
 
Kahit daw inaabot sila ng madaling araw sa taping noon ay wala silang reklamo dahil masaya silang magkakasama sa puyatan.
 
Sa fans ng Strawberry Lane, huwag kayong mag-alala dahil pakikiligin din kayo nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa pinakabagong Telebabad soap na Once Upon A Kiss, magsisimula na ngayong gabi after More Than Words.