What's Hot

Anong pangarap ni Janine ang natupad ni Elmo?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 9:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NGCP puts Visayas grid on yellow alert
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction
Mga pulis, sangkot sa nakawan at saksakan! | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News



Tinupad ni Elmo Magalona ang wish ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez noong mismong birthday nito. 
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Bukod sa pag-amin na sila na, may isa pang sorpresang hinanda si Elmo Magalona para sa kanyang girlfriend at More Than Words leading lady na si Janine Gutierrez. Dinala niya si Janine sa Hong Kong Disneyland at doon nila ipinagdiwang ang birthday ng dalaga, kasama ang ilang malalapit na kaibigan.
 
"First trip together po namin. May iba pa po kaming kasama, pero magkasama kami," kuwento ni Elmo sa entertainment press during the press conference of More Than Words.
 
Pagpatuloy ng binata, "Masaya ako dahil isa sa mga dreams talaga ni Janine ang makapunta sa Disneyland. Masaya ako na natupad ko ang pangarap niya. 'Yun naman ang gusto ko."
 
Niloko ng press na galanteng boyfriend pala siya. "Lagi naman akong galante (laughs). Treat ko lang din kasi super naglabas kami ng effort noong magkasama kami sa Villa [Quintana]."
 
Ano pa ba ang pangarap ni Janine na gusto niyang matupad?
 
"Well, nangyayari na ngayon, ang pagiging successful niya. Sunod-sunod na eh, mula noong pag-start niya sa Villa. Kamakailan lang nag-host siya ng Miss World. Nakikita ko na super excited din siya sa mga nangyayari sa career niya and 'yun 'yung wish ko rin para sa kanya, na maging successful."
 
Masaya rin si Elmo na pinagkakatiwalaan siya ng parents ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon. He admits na nag-exert siya ng effort para maging close sa kanila, lalo na kay Monching.
 
"Tin-ry ko naman talaga na maging close sa kanya. Every time na dumadalaw ako sa bahay nila, palagi akong nakikipag-usap sa kanya. Nagba-basketball kami."
 
Abangan sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa More Than Words, simula November 17, sa GMA Telebabad.