
Pinag-uusapan sa social media ang reaksiyon ng Inday Will Always Love You star na si Tina Paner sa body-shaming comments sa kaniya ng sexy actress na si Ynez Veneracion.
IN PHOTOS: Celebrities na nakaranas ng body shaming
Makikita sa Instagram page ni Tina, ang screenshot ng palitan ng mensahe ni Ynez at ni Susan Jeanette Ortega kung saan makikita na sinabi ng sexy star na isa siyang “bansot” at “babalina.”
Idinaan na lang sa tawa ng veteran singer/actress ang komento, pero makikita sa post ni Tina na tila may patama siya kay Ynez.
“Hahaha laki ng problema ni @ynez_veneracion888 pati pagiging babalina at bansot ko pinoproblema! Lol #itsgodsgiftnotdoctorsgift”
Matatandaan na umamin ang sexy star sa isang showbiz website interview na may pinaretoke siya sa kaniyang katawan.
Pinayuhan naman si Tina ng Kapuso news anchor na si Arnold Clavio na huwag nang pansinin ang ipinost ni Ynez.
TRIVIA: 32 celebs at ang mga pinaretoke nila sa katawan