GMA Logo Iya Villania
Celebrity Life

Anong reaksyon ni Iya Villania matapos mapagkamalang lalaki?

By Aimee Anoc
Published July 6, 2021 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Incident involving child with autism in Pampanga mall prompts call for review of business policies
Iloilo City school cancels classes due to bomb scare
Henri G sings about unspoken love in new single 'Hindi Ko Masabi'

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania


Napagkamalan daw si Kapuso host at 'Chika Minute' anchor Iya Villania na isang lalaki. Ano kaya ang naging reaksyon nya?

Ibinahagi ni Kapuso host Iya Villania sa Instagram story ang nakakatawang experience nya kamakailan dahil sa usapan ng dalawang guwardiya tungkol sa kanya.

Narinig ng Mars Pa More host ang dalawang guwardiya na nag-uusap sa kanilang mga radio. At laking gulat niya nang marinig ang sinabi ni kuya guard... napagkamalan pala siyang lalaki!

Pabiro namang sinagot ni Iya sa panibagong Instagram story ang pag-uusap ng dalawang guwardiya, "Pogi ba?"

Kuwento ni Iya, noon pa man ay gusto na niyang subukan ang iba't ibang hairstyle maging ang pagpapakulay.

"If you've been wanting to try short hair but afraid of looking like a boy, JUST DO IT! It feels great and no matter what, you're gonna find a way to make it work anyway! So if you want to try something new that you've always been afraid to do, DO IT NOW! It's the best time to!" pagbabahagi pa ni Iya.

Samantala, narito pa ang ilang celebrities na maaring gawing inspirasyon sa inyong susunod na hair makeover.