GMA Logo Seo Hyun-jin as simple Ethel Oh, Eric Mun as Marlon
Source: GMA Network
What's Hot

Another Miss Oh: Magkakaroon kaya ng happy ending sina Ethel Oh at Marlon?

By Abbygael Hilario
Published January 20, 2023 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Hyun-jin as simple Ethel Oh, Eric Mun as Marlon


Sa huling gabi ng 'Another Miss Oh,' may hindi magandang mangyayari kay Marlon!

Habang nagdi-dinner ang magkakaibigan, inamin na ni James kay Marlon (Eric Mun) na nabuntis niya ang kapatid nitong si Cathy.

Ikinagulat naman ni Marlon ang balitang ito. Masaya na siya para sa dalawa at habang tumatagal ay nagugustuhan niya na rin si James para sa kanyang kapatid.

Hindi naman nagpahuli sina Marlon at simple Ethel Oh at sinuklian din nila ang good news na ibinahagi nina Cathy at James.

Sinabi na ni Ethel na pinayagan na siya ng kanyang mga magulang na tumira sa iisang bahay kasama si Marlon!

Another Miss Oh

SOURCE: GMA Network

Sa huling gabi ng Another Miss Oh, mukhang may mangyayaring hindi maganda kay Marlon!

Habang naghahanda siya para sa kanyang proposal kay Ethel ay bigla siyang masasagasaan ng isang humaharurot na kotse!

Magkakatotoo kaya ang vision niya na mamamatay siya dahil sa isang aksidente?

Paano na lang ang love story nila ni Ethel?

Magkakaroon kaya sila ng happy ending?

Panoorin mamaya sa final episode ng Another Miss Oh, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'ANOTHER MISS OH' SA GALLERY NA ITO: