GMA Logo Another Miss Oh
Source: GMA Network
What's Hot

Another Miss Oh: May chance pa kayang magkaayos sina simple Ethel Oh at Marlon?

By Abbygael Hilario
Published January 3, 2023 11:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House panel hearing on VP Sara Duterte impeachment complaints (Apr. 22, 2026) | GMA News
Military stands by clash that left 19 alleged NPA members dead
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Another Miss Oh


Habang tumatagal lumalabo na ang relasyon nina simple Ethel Oh at Marlon!

Hindi makapaniwala si simple Ethel Oh (Seo Hyun-jin) sa ginawang paninira ni Marlon (Eric Mun) sa ex-fiance niya na si Terence (Lee Jae-yoon). Dahil dito, unti-unti nang lumalabo ang kanilang pagsasama.

Sobra rin ang kalungkutan at galit ni Ethel matapos niyang malaman na ex-girlfriend ni Marlon si pretty Ethel Oh. Araw-araw siyang umiiyak at tulala dahil pakiramdam niya ay niloko siya sa pangalawang pagkakataon.

Sa sobrang guilty naman ni Marlon, gusto niya nang tapusin ang relasyon na mayroon siya kay simple Ethel upang maging masaya at malaya ito.

Seo Hyun jin as simple Ethel Oh

SOURCE: GMA Network

Ilang araw lang ang lumipas, nagiging matatag na si Ethel Oh habang si Marlon naman ang nakakaramdam ng pagsisisi.

Gagawin naman niya ang lahat para lang bumalik si simple Ethel Oh sa kaniya.

Ipaglalaban niya ang kaniyang nararamdaman kahit na anong mangyari.

May chance pa kaya silang magkaayos?

Babalik pa kaya si Ethel sa kaniya?

Abangan mamaya sa 'Another Miss Oh,' 10:20 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'ANOTHER MISS OH' SA GALLERY NA ITO: