
Mapapanood ngayong Biyernes (September 8) sa Amazing Earth ang singer, composer, vlogger and content creator na si Mikey Bustos.
Tampok sa episode na ito ang kaniyang ant farm at ang kuwento ng kaniyang pagbuo ng future ant zoo and conservation park. Alamin ang kaniyang prosesong ginagawa sa ant farm at iba pa.
Kaabang-abang din ang ibabahaging face-to-face encounter ng mga Pinoy sa cute, cuddly but fiercely territorial kangaroos sa Australia.
Hindi naman papahuli ang mga exciting na kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa nature documentary na “Africa's Deadliest: Fangs that Kill.”
Tutukan ang Friday night habit na handog ng Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.