
Isang nakakaantig na kuwento ng tinadhanang pag-ibig ang malapit nang matunghayan sa nalalapit na pag-ere ng The Last Promise, ang bagong Lakorn na ipapalabas sa GMA.
Pinagbibidahan ito ni Aff Taksaorn Paksukcharoen, Amarin Nitibhon, Neng Sarun Naraprasertkul, Richy Oranate D. Caballes, Two Popetorn Soonthornyanakij, at Tor Thanapob Leeratanakachron.
Ang The Last Promise ay istorya ni Sol (Aff), isang ina na napilitang palakihin ang kanyang anak ng mag-isa pagkatapos ng biglaang pagpanaw ng kanyang minamahal. Gayunpaman, malakas ang paniniwala ni Sol na muli siyang babalikan ng kanyang minamahal.
Nagkatotoo ang kanyang paniniwala pagkaraan ng ilang taon nang ma-reincarnate ang kanyang minamahal bilang si Gabriel (Tor), isang binata na kasing-edad ng kanyang anak. Sa muli nilang pagkikita ay muli nilang mararamdaman ang pag-ibig para sa isa't-isa, ngunit hindi magiging madali ang istorya ng kanilang pag-ibig. Ano'ng magiging sagabal sa kanilang kaligayahan? At malalaman ba ni Gabriel ang kanyang nakaraang buhay?
Abangan ang Lakorn na The Last Promise sa GMA simula March 13, mula 5:10 p.m. hanggang 5:40 p.m.