
Nagustuhan umano ni Anthony Constantino ang laid-back at slow-paced life ng South Cotabato nang bisitahin nila ng nililigawan niyang si Shuvee Etrata ang pamilya nito. Kaiba raw kasi ang karanasang ito sa kaniyang nakasanayan sa Manila at Los Angeles sa USA kung saan siya lumaki.
Sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial para sa 24 Oras nitong Lunes, Sept 1, ibinahagi ni Anthony kung papaanong naging unforgettable ang kaniyang pagbisita dahil personal niyang nakilala ang pamilya ni Shuvee.
“I've learned that Shuvee's family and Shuvee is rich in life. They're really so tight, and I really admire that about their family. They showed me their work, they work in the hospital, they've been showing me really just their whole upbringing,” saad ng aktor.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA HOMECOMING NI SHUVEE SA SOUTH COTABATO KASAMA SI ANTHONY SA GALLERY NA ITO:
Isang pangyayari na naging dahilan kung bakit mas lalong hindi malilimutan ng aktor ang pagbisita niya sa naturang probinsya ay noong makalaro niya sa basketball ang tatay ni Shuvee. Sa katunayan, ito pa nga ang pinakapaborito niyang ginawa habang nandoon siya.
“Her dad, Michael, is a really, really good basketball player. Played with her dad and against her dad, so I would say that playing basketball was my favorite activity there because I was able to connect with her all family there,” sabi ni Anthony.
Sa ngayon ay abala muna si Anthony sa endorsement projects ngunit hindi magtatagal ay bibida na rin siya sa kaniyang debut horror film na Huwag Kang Titingin. Makakasama niya rito sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, Marco Masa, Sean Lucas, Josh Ford, at Sherilyn Reyes.
“I'm super excited for my first project, it's gonna be my debut for film. Hope you guys love the work,” saad ni Anthony.
Panoorin ang panayam kay Anthony rito: