GMA Logo Anthony Constantino
What's on TV

Anthony Constantino, nakisaya sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published June 18, 2025 6:46 PM PHT
Updated June 19, 2025 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Constantino


Nag-enjoy si Anthony Constantino sa pagbisita sa 'TiktoClock'!

Back-to-back ang exciting na segments ang sinalihan ni Anthony Constantino sa kaniyang pagbisita sa TiktoClock.

Ngayong June 18, kabilang si Anthony sa mga namigay ng premyo sa "Match Maswerte". Kasama niya pa ang dalawang stars ng Sanggang Dikit FR na sina Tito Marsy at Tito Abdul. Nauwi pa sa tilian ang pagbisita ni Anthony dahil ipinakita niya ang kaniyang abs sa mga Tiktropa.

Nagpatuloy ang pagsali sa happy time ng TiktoClock si Anthony dahil naglaro pa siya ng "Name That Sound". Nakatambal naman ni Anthony si Jayson Gainza at kalaban nila sina Tito Marsy at Tito Abdul.

Anthony Constantino

PHOTO SOURCE: @anthony.constantino/ TiktoClock

Saad ni Anthony sa kaniyang Instagram story ang pasasalamat na nakabisita siya sa TiktoClock. Ani Anthony, "Thank you for the love today @tiktoclockgma"

Isang selfie naman ang ipinakita ni Anthony kasama ang host na si Kuya Kim Atienza. Saad ng Sparkle artist, "two pogis, one pic @kuyakim_atienza"

Balikan ang masayang pagbisita ni Anthony sa TiktoClock.

SAMANTALA BALIKAN ANG MGA LARAWAN NG BALIKBAYAN HEARTTHROB NA SI ANTHONY: