
Bukas at handa si Kapuso star Anthony Constantino kung sakaling mabigyan siya ng proyekto kasama si ex-PBB housemate Shuvee Etrata.
"Oh yes! Yes, of course. I think I've gotten many comments from the fans. They would love to see that, so whatever the fans want, whatever Shuvee wants, it's something that I want," pahayag ng Balikbayan Heartthrob sa 24 Oras.
Matatandaang pumirma ng kontrata si Anthony sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network, noong April.
Samantala. kalalabas lamang ni Shuvee mula sa Bahay ni Kuya matapos siya ma-evict kasama ang ka-duo na si Klarisse de Guzman.
Naging trending topic ang paglabas ni Shuvee mula sa PBB house hindi lang dahil naging kontrobersiyal ang kanyang nominasyon, kundi pati na sa pagsalubong sa kanya ng isang tall, dark, and handsome na binata sa labas ng Bahay ni Kuya.
"It's great, always, to be known so hopefully, I'm able to use my platform for something great," reaksiyon ni Anthony sa hindi inaasahang atensiyon na nakuha niya.
Related gallery: Shuvee Etrata's grand homecoming moments on 'Unang Hirit'
Isa si Anthony sa mga dumalo sa special birthday lunch ng Sparkle para sa mga talents nitong nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng April, May, at June.
Nasa California si Anthony kasama ang kanyang pamilya noong nakaraang birthday niya noong May 13.
Si Shuvee naman, nasa loob pa ng Bahay ni Kuya noong mag-birthday noong June 4.
"Honestly, kind of sad, but also she was obviously in the house at that time, so she celebrated her birthday in the house too. Hopefully, we're able to both celebrate outside of the house," lahad ni Anthony.
BUKOD KAY ANTHONY CONSTANTINO, SILIPIN ANG IBA PANG TALL, DARK, AND HANDSOME ACTORS SA PINOY SHOWBIZ: