
Bago siya tuluyang mapanood bilang Roger sa musical na Rent, kinumpirma ni Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo na magbibigay na siya ng patikim sa kanyang karakter sa darating niyang concert na "SWITCH: Anthony Rosaldo Live in Concert".
Ayon kay Anthony, pinayagan siya ng 9 Works Theatrical na kantahin ang ilang kanta ng Rent sa kanyang concert.
"With the permission of my 9 Works Theatrical production family, magbibigay ako ng patikim, a preview, free taste kumbaga kapag naggo-grocery kayo, ng ilang songs na kakantahin sa Rent," pagkumpirma ni Anthony sa GMANetwork.com.
"I think this is also a good promotion para sa upcoming musical ko, and I'm excited kasi some of them will be present in the concert. Excited ako for that."
Bukod kay Anthony, bibida rin sa Rent ang kapwa Kapuso singers niya na sina Thea Astley at Garrett Bolden bilang Mimi at Tom Collins.
Makakasama ni Anthony sa kanyang first major solo concert sina Rita Daniela, Khalil Ramos, Gian Magdangal, at Mechu Yuchengco-Yulo na gaganapin sa Miyerkules, 8:00 P.M. sa Music Museum.
Available pa rin ang tickets nito sa TicketWorld.