
Masaya si Kapuso singer and theater actor Anthony Rosaldo na naging bahagi siya ng much-awaited reunion concert ng iconic Pinoy group na Sexbomb Girls.
Kabilang siya sa surprise guests sa pangalawang araw ng "Get, Get Aw! The Sexbomb Concert."
Source: theanthonyrosaldo (IG)
Lubos ang pasasalamat ni Anthony sa kapwa Kapuso at Sexbomb Girls leader na si Rochelle Pangilinan para sa pagkakataon.
"SURPRISE GUEST ALERT!!! 🤯🔥 Sexbomb Concert: Get Get Aw Round 2 , and I got to share the stage with LEGENDS!! 💣 Thank you Ate Roc @rochellepangilinan for trusting me with this responsibility! Love you ate! ❤️," sulat niya sa Instagram.
Nag-duet sila ni Evette Pabalan para sa kantang "Sayaw ng Puso" habang sumasayaw sina Aira Bermudez at Cheche Tolentino.
Ang awit na ito ay bahagi ng soundtrack ng hit afternoon drama series ng Sexbomb Girls na Daisy Siete.
Ibinahagi ni Anthony sa Instagram ang isang maikling video ng kanilang performance.
"Ate @evettepabalan , HUGE HONOR to sing with you! As in grabe!!! 🙌 Ate @airabermudez and ate @chechetolentino , amazing performance you two! To the Sexbomb Dancers, salamat sobra for letting me be part of this phenomenal night!" lahad niya sa captionng kanyang post.
Nag-enjoy rin daw siya sa concert, hindi lang bilang isang performer, pero pati bilang isang tagahanga ng grupo.
"At syempre… mga pinalaki ng Sexbomb — ikinanta ko kayo lahat!!! Waaaah!! Ang angas! 🥹🫶🏻," pagatapos ng post ni Anthony,
Itinanghal ang sold out na "Get, Get Aw! The Sexbomb Concert" noong December 4.
Dahil na rin sa insistent public demand, nagkaroon ito ng pangalawang araw na siya namang itinanghal noong December 9.
SILIPIN ANG "GET GET AW THE SEXBOMB CONCERT" NG SEXBOMB GIRLS DITO: