GMA Logo Anthony Rosaldo
What's Hot

Anthony Rosaldo, hinirang na Hall of Famer ng National Customers' Choice Annual Awards

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 28, 2021 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Rosaldo


Naguumapaw sa saya si Anthony Rosaldo sa karangalang iginawad sa kanya ng National Customers' Choice Annual Awards (NCCAA). Congratulations, Kapuso!

Panibagong gantimpala ang naiuwi ni Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo sa katatapos lang na National Customers' Choice Annual Awards (NCCAA).

Bukod sa Best New Male Singing Performer Award, hinirang din na hall of famer si Anthony dahil tatlong beses na niyang naiuwi ang nasabing award.

Nauna nang natanggap ni Anthony ang Best New Male Singing Performer Award noong 2019, at sinundan naman ito noong 2020.

Sa video ng NCCAA, nagpasalamat si Anthony sa bagong karangalan na natanggap niya.

Saad niya, "Thank you so much po for once again recognizing my talent. Maraming, maraming, maraming salamat po.

"Salamat din for also proving na despite ng lahat ng negativities na naririnig natin around us, e, mayroon pong mga bagay kagaya nito na pwedeng magbigay sa atin ng pag-asa."

A post shared by Anthony Rosaldo (@theanthonyrosaldo)

Congratulations, Anthony!