
Ibinahagi ni Anthony Rosaldo sa Hangout ang isa sa kanyang mga kanta na maglalarawan ng kanyang pinagdaanan sa buhay.
Ayon sa Kapuso singer, gusto niya lahat ng kanyang mga kanta pero isa lamang ang makakapaglarawan ng kanyang buhay.
Saad nito sa Hangout, "Meaningful sa akin 'yung bukod sa 'Larawan Mo' at 'Pwedeng Tayo' na hugot songs, 'yung 'Maghintay ka Lamang' na ni-revive ko.
"Very meaningful ito sa akin dahil story din ng life ko 'yan, e.
Dugtong ni Anthony ay naghintay talaga siya para makakuha ng break at maging isang singer.
"Talagang nag-wait talaga ako for my dream ng matagal, hindi agad agad."
Photo source: @theanthonyrosaldo
Payo pa niya sa mga nais na makamit ang mga pangarap, huwag hihinto hanggang sa makuha ito.
"Marami akong competitions na sinalihan. Hindi lang talaga ako nag-give up e kaya dapat sa mga tao mahaba 'yung patience nila kung meron silang gustong marating in life."
Panoorin ang kabuuang kuwentuhan ni Anthony at ng kanyang fans sa Hangout.
Hangout: What is Anthony Rosaldo's greatest fear in life?
Hangout: Sino'ng clasher ang inakala ni Anthony Rosaldo na makakatalo sa kanya noon?