GMA Logo Anthony Rosaldo
What's Hot

Anthony Rosaldo, kinilala bilang Breakthrough Artist of the Year ng World Class Philippines Council

By Aimee Anoc
Published December 30, 2021 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Rosaldo


"Maraming salamat sa lahat ng naniniwala sa akin. Kung hindi po dahil sa inyo, wala pong saysay ang lahat ng ito." - Anthony Rosaldo

Umaapaw ang pasasalamat ni Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo nang hiranging Breakthrough Artist of the Year ng World Class Philippines Council.

Sa Instagram post, ipinakita ni Anthony ang natanggap na tropeo at gintong medalya.

Isang post na ibinahagi ni Anthony Rosaldo (@theanthonyrosaldo)

"Maraming salamat, Panginoon! Alay ko po itong award na ito sa inyo na patuloy akong binibiyayaan ng pagkakataon na ipakita ang aking galing sa lahat," pagbabahagi ng Kapuso Pop Rocker.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Anthony ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang kakayahan.

"Maraming salamat sa lahat ng naniniwala sa akin. Kung hindi po dahil sa inyo, wala pong saysay ang lahat ng ito," dagdag niya.

Noong November 26, nilabas ang bagong kanta ni Anthony under GMA Music, ang "Tama Na," na base sa sarili niyang karanasan sa pag-ibig.

Nakilala si Anthony nang sumali sa "Spogify feat Singing Baes" segment ng Eat Bulaga noong 2015. Sinubukan din ng Kapuso Pop Rocker ang suwerte niya nang sumali sa The Clash Season 1 noong 2018 kung saan napasama siya sa mga finalist.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo sa gallery na ito: