
Nalalapit na ang first major solo concert ng Kapuso Pop Rocker na si Anthony Rosaldo na may titulong “SWITCH: Anthony Rosaldo Live in Concert.” Ayon sa aktor, ang titulo ay may kinalaman sa biggest switch ng kanyang karera, ang pagiging parte ng musical theater.
Sa interview ni Anthony sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi niya na malaki ang ipinagbago niya simula nang maging parte siya ng musical theater production na “Ang Huling El Bimbo.”
“Naging biggest switch din siya kasi maraming nagbago sa takbo ng career ko. Nag-open ng maraming doors para sa akin, mga opportunities,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, ito rin ang dahilan kung bakit “Switch” ang naging titulo ng kanyang concert. “Parang culmination siya ng what happened from the first time that the Kapuso saw me as a performer on TV, tapos ito naman 'yung pagtawid ko papuntang teatro.”
TINGNAN ANG NAGING JOURNEY NI ANTHONY MULA CLASHER TO POP ROCKER SA GALLERY NA ITO:
Inihayag din ni Anthony na ipagpapatuloy niya ang nasimulan sa teatro at sa katunayan ay meron siyang gagawin ngayong 2024 “that involves musical theater.”
“I'm gonna do another production na malaki din,” pagbabahagi niya.
Ayon kay Anthony ay ipinagdasal niya na makapag-musical siya kahit isang beses lang sa isang taon kaya naman matuturing niyang answered prayer ang proyektong gagawin.
“Kasi I don't want to parang forget everything na natutunan ko nu'ng 2023, kasi ang dami kong natutunan sa teatro; disiplina, pagiging professional, lahat pagiging who I am today,” sabi niya.
Aminado naman ang singer and theater actor na napagod at nagkasakit din siya dahil sa ginawang performance noong 2023, ngunit sinabing babalikan pa rin niya ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan.
“Okay lang sa akin na gawin ko siya ulit kasi ang laking tulong eh, kung hindi ako napagod, kung hindi ako umiyak, kungbaga sabihin nila na umiyak ng dugo. Hindi ko masasabi na fulfilled ako sa experience ko as a theater actor,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Anthony dito: