
Feeling blessed ngayong Pasko si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo kaya naman hindi siya nakalimot na ibahagi niya ang kanyang blessings sa mga malalapit sa kanya.
Sa Instagram post ng The Clash Season 1 alumnus kahapon, November 14, inanunsyo niya na nagpapagawa siya ng three-bedroom townhouse unit para sa kanyang ina bilang advanced Christmas gift.
Sulat niya, "#ToGodBeTheGlory
"Advance Merry Christmas Ma! Eto na muna regalo ko sayo. 3 bedroom townhouse unit muna saka na yung mansion ha? Love you!"
Ayon kay Anthony, bunga ito ng pagtatrabaho niya ng ilang taon.
Patuloy niya, "Pero seryoso dapat matagal ko nang napagawa ito. Siguro matutuwa yun si Papa and Kuya Andy kung buhay pa sila at makikita nila ito.
"Ang sarap sa pakiramdam kasi kita na natin ang pinaghirapan natin! Lalo tuloy akong inspired galingan pa sa trabaho! Focus lang tayo sa goals! Let's go!"
Tubong Samar si Anthony. Umalis siya sa kanyang hometown at lumuwas ng Maynila para subukang maging isang singer.
Taong 2018 nang sumali siya sa GMA musical competition na The Clash.
KILALANIN PA SI ANTHONY ROSALDO SA GALLERY NA ITO: