GMA Logo Anthony Rosaldo
What's Hot

Anthony Rosaldo on reinventing himself: 'importante siya sa akin'

By Kristian Eric Javier
Published January 24, 2024 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Militant groups reject Pax Silica; say Pinoys at a disadvantage
3 ka high school students sa Tangalan, Aklan, nakuhaan sang marijuana | Ratsada Balita
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Rosaldo


Aminado si Anthony Rosaldo kung gaano kaimportante na mag-effort ang isang artist para mapansin.

Bukod sa pagkanta, pinasok na rin ng Kapuso singer na si Anthony Rosaldo ang mundo ng teatro. Ayon sa singer-actor, ang mga ginagawa niya ngayon ay isang paraan para i-reinvent ang kaniyang sarili.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Anthony na bukod sa singing and acting, ay sumasabak din siya sa hosting at kaunting dancing, kaya naman hindi maiwasan na tanungin siya kung gaano kaimportante sa kaniya ang i-reinvent ang sarili.

“Importante siya sa akin kasi in a pool of so many good looking, talented artists, importante na effortan mo para mapansin ka,” sagot niya.

Dagdag pa ni Anthony, “Mahirap na basta-basta lang 'yung ibibigay mo, sa show business lalo ang ano eh, every year may bagong sumusulpot. So there is a tendency na kapag relax na relax ka lang at petiks ka lang at hindi ka mage-effort, baka mawawala ka nalang at matatabunan ka at makakalimutan ka.”

BALIKAN ANG PAGGANAP NI KEN CHAN NANG BIGYANG-BUHAY NIYA ANG KUWENTO NI ANTHONY SA GALLERY NA ITO:

Sinabi rin ng pop rock singer na kahit matagal na siya sa industriya ay importante pa ring ibigay ang 100 percent, at kasama doon umano ang pag-reinvent sa sarili.

Paliwanag niya, “Kasama 'yung pag-reinvent and paghahanap ng mga bagong bagay na that will make you shine kung baga.”

Dagdag pa niya ay paraan din ito para matuto ng mga bagong bagay na maipapamalas niya sa mga manonood.

“Tapos nakikita ng audience mo na ang dami niyang kayang gawin. So parang ano siya happiness siya para sa akin,” sabi niya.

Kamakailan ay inanunsyo na isa si Anthony Rosaldo sa mga bagong cast ng musical na Rent kasama sina Thea Astley at Garrett Bolden. Bukod pa rito, ay malapit na rin ang kaniyang major concert na “SWITCH: Anthony Rosaldo Live in Concert.”

Pakinggan ang buong interview ni Anthony dito: