
Maihahalintulad sa isang box office romantic movie ang nangyari sa direktor na si Antoinette Jadaone nang habulin siyia ng waiter sa isang café.
Ibinahagi ng filmmaker ang isang funny story sa kanyang Instagram nang makalimutan niyang magbayad sa in-order niyang Americano.
Bungad niya sa post [posted as it is], “MAAAAAA sa sobrang pagmamadali ko kanina dahil andun na Grab ko, nagulat ako bigla akong hinahabol ng waiter palabas!!! HINDI PALA AKO NAKAPAGBAYAD!!!”
Tawang tawa na lang si Direk Tonet sa mga sumunod na nangyari.
“Jusqqqqq si manong waiter! MAM MAM DI PA PO KAYO NAGBABAYAD! MAM DI PA KAYO BAYAD! MAM 'YUNG BAYAD N'YO PO??? Kuya, sana inulit mo 3x pa, medyo nakulangan pa po ako!!!
“Big scene si kuya! Bakit kailangang ulit-ulitin kuyaaaaaaa! Hindi ako nagbayad yes, pero hindi po ako bingi!!!” hirit ng box-office director.
“Sabi ko, kuya ok lang ba, dito ko na lang bayaran sa labas ng cash? Maaaa hindi raw pwede, dapat daw sa loob magbayad!!! Hoooooo!
“Kaya ako'y bumalik sa loob ng café, the return of the prodigal dowter, the champion is return! Alam mo 'yung feeling mo nakatingin sila lahat sa'yo? OO, AKO NGA ANG CUSTOMER NA HINDI NAGBAYAD NA HINABOL NI KUYA SA LABAS!!! Na para bang confidential funds ang tinangay ko, e isang americano lang 'yun, ni walang milk! Na para bang ang linis-linis nila! Na para bang sa sobrang linis nila ay kaya nilang pumukol ng unang bato!
“Pero okay na. Ang mahalaga, walang nakatakas. Walang pinatakas. Nakapagbayad. Sana all, hindi ba?”
Hindi lang netizens ang aliw na aliw sa kuwento ni Direk Tonet, kasi kahit sina Jodi Sta. Maria at Janine Gutierrez ay napa-comment sa naturang post.
Ilan sa mga pelikula na dinirehe ni Direk Tonet ay ang That Thing Called Tadhana, Alone/Together, at Sunshine.
Patok din ang tandem nila ni Direk JP Habac sa podcast scene bilang hosts ng Ang Walang Kwentang Podcast.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now