What's on TV

Antoinette Taus, ibinahagi ang kanyang natutunan sa kanyang environmental advocacy | Ep. 82

By Maine Aquino
Published January 7, 2020 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Antoinette Taus in Amazing Earth 


Si Antoinette Taus ang kinilalang 'Amazing Earth' hero nitong January 5.

Para kay Antoinette Taus, kahit sino ka pa o ano pang estado sa buhay, maaari kang makapagbigay ng tulong sa ano mang advocacy.

Kuwento ni Antoinette nitong January 5 sa Amazing Earth, lahat tayo ay puwedeng maging part of change. Ito ang kanyang ginawa sa kanyang organization na CORA.

"Kasi minsan iniisip natin ang puwede lang gumawa ng change ay 'yung government, or 'yung mga big businesses, or 'yung mga experts, or scientists.

"In reality, lahat tayo part talaga ng change na 'yan. So we want to create programs that are sustainable na masasabi nating lahat, puwedeng maging parte ng solusyon.

"Most importantly, educate 'yung youth, 'yung mga kabataan."

Ibinahagi rin ni Antoinette na sa simpleng research lang ay malalaman natin ang mga dapat gawin para makatulong sa iba't ibang paraan.

"I started researching and reading more. Kaya nga I always tell people na we dont have to wait to learn. Lahat ng impormasyon nandiyan na. Puwede na natin siyang mabasa at matutunan and we can do something now."

Sa non-profit organization na CORA nagsimula umano sila sa simpleng pagpupulot lamang ng basura hanggang sa dumami na ang kanilang proyekto at volunteers.

"We started by picking up trash, nagpupulot lang kami ng basura.

"Hanggang sa ngayon ay naging full-blown coastal cleanups na siya, tapos nagkakaroon ng suporta from amazing people like Angie King.

"Talagang nagdala rin ng so much awareness to what we're doing kasi more than anything it's really important na malaman ng mga tao 'yung katotohanan. Marami pa pala tayong puwedeng gawin para makatulong."

Panoorin ang kabuuang kuwento ng Amazing Earth hero at UN environment ambassador na si Antoinette.




Amazing Earth: Angie Mead King shows off her 'tower farm' in Laguna