
"We are Cora."
Ito ang saad ni Antoinette Taus bilang isang Amazing Earth hero nitong November 24.
Pagpapatuloy ng Cora Cares founder at UN Environment Ambassador of Goodwill na si Antoinette, sila ay tumutulong sa kapaligiran sa tulong ng kanyang proyektong Planet Cora.
Dagdag rin niya, malaking tulong ang kanyang natatanggap mula sa volunteers na nagnanais tumulong mapabuti ang estado ng kapaligiran.
"CORA was built by volunteers, ng mga taong nagbibigay ng oras nila, ng pagod nila ng walang kapalit."
Kinuwento rin ni Antoinette ang kanyang experience sa volunteerism at kung paano ito nakatulong sa kanyang pinagdaanang depression.
"'Yung mom ko po, she was always my inspiration and my hero. We lost her to cancer in the year 2004. I went through a long period of depression din talaga."
"Volunteerism, it's known pala talaga to actually help people that are going through anxiety and depression, or any kind of mental health issue.
"Everything is in honor of my mom, Cora (Ma. Corazon Flores Taus). But actually, Cora means Communities Organized for Resource Allocation."
Panoorin ang buong Amazing Earth hero story ni Antoinette.
Amazing Earth: Visiting 'Balay Bato,' a house with GREEN architecture in Bacolod