
Mapapanood sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents si former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Anton Vinzon.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "My Rockstar Lolo."
Gaganap si Anton dito bilang Jameson, binatang aspiring musician.
Dahil sa kanyang rockstar dreams, napapabayaan na niya ang pag-aaral at iba pang mga responsibilidad.
Idol na idol niya ang Pinoy rock legend na lolo niyang si Jaime, played by singer-actor Mitoy Yonting.
Ano kaya ang matututunan ni Jameson mula sa rock and roll experiences ni Jaime?
Huwag palampasin ang bagong episode na "My Rockstar Lolo," April 26, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.