
Nakisaya ang Sparkle stars na sina Anton Vinzon at Bruce Roeland nang bumisita sila sa noontime variety show na It's Showtime kamakailan.
Sa episode ng naturang programa, nakakulitan ng Kamao stars ang It's Showtime hosts at pinuri pa ng mga ito ang good looks ng guest celebrities.
Ayon pa kay Kim Chiu, hindi nalalayo ang visuals ng kanyang kapwa host na si Vhong Navarro kina Anton at Bruce.
“Ano ka ba! 'Wag mo masyadong ipagdiinan, Kimmy. Nakakahiya naman sa bisita natin,” hirit ni Vhong.
Nag-promote rin sina Anton at Bruce ng kanilang bagong sports drama na Kamao, kung saan makakasama nila ang mga batikang aktor na sina Amy Austria, Katrina Halili, Neil Ryan Sese, at Roi Vinzon.
Bukod dito, napasabak din sina Anton at Bruce sa gilingan nang kumasa sila sa "Oohh Lala Baby" dance challenge ng Showtime Babydolls.
Mapapanood ang Kamao simula May 25, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related content: Cast ng 'Kamao,' kilalanin