GMA Logo anton vinzon and carmell collado
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's Hot

Anton Vinzon at Carmelle Collado, thankful sa CarTon supporters na dumalo sa kanilang fan meet

By Dianne Mariano
Published April 13, 2026 4:31 PM PHT
Updated April 13, 2026 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Jasmine Curtis-Smith reveals she volunteered her name for 'Stars on the Floor' Season 2
One North Central Luzon: April 13, 2026 | Livestream

Article Inside Page


Showbiz News

anton vinzon and carmell collado


Naka-bonding ng ex-'PBB' housemates na sina Anton Vinzon at Carmelle Collado ang kanilang mga tagasuporta sa naganap na exclusive fan meet.

Muling naghatid ng saya at kilig ang dating Kapuso at Kapamilya housemates na sina Anton Vinzon at Carmelle Collado sa noontime variety show na It's Showtime ngayong Lunes, April 13.

Sa pagbisita nina Anton at Carmelle sa naturang programa, isang nakakakilig na song performance ang handog nila para sa Madlang People nang awitin ang "Please Be Careful With My Heart."

Matapos ito, tinanong ni Karylle ang former PBB housemates kung papaano ba dapat iingatan ang puso ng ng isang tao.

"Siyempre, dapat maging consistent ka lang and be genuine at just be confident," sagot ni Anton.

Dagdag ni Carmelle, "Consistency is the key."

Tinanong naman ng OPM icon-host na si Ogie Alcasid sina Anton at Carmelle kung nasabi o naitanong na ba nila sa isa't isa ang "please be careful with my heart."

"Actually, hindi pa po pero alam naman po namin kung paano po namin iingatan 'yung puso namin," sagot ng Kapamilya star.

Bukod dito, nagpasalamat din ang dalawa sa mga sumuporta at dumalo sa kanilang naganap na fan meeting kamakailan.

"Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at nakisama sa aming fan meet ni Anton," ani Carmelle.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Samantala, bibida si Anton Vinzon sa kanyang unang solo lead series na Kamao, kung saan siya'y gaganap bilang batang boksingero.
Link:

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

BALIKAN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NI ANTON VINZON SA GALLERY NA ITO.