
Isa sa mga pinakahinahangaan ngayon na loveteams ay ang tambalan nina Chanty Videla at Anton Vinzon na mas kilala bilang ChanTon. Kaya naman, ang Kamao stars, grateful sa suportang natatanggap mula sa kanilang fans.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 31, ipinahayag nina Chanty at Anton kung gaano sila ka-grateful sa kanilang fans.
“Sobra po namin na-appreciate 'yun. Ang dami nga po namin nakikitang mga like fan edits and sobra siyang nagte-trending din, and we appreciate it a lot. Sobrang grateful po kasi it's a really good way po to promote our show and everything,” sabi ni Chanty.
Sinang-ayunan naman ito ni Anton at ibinahaging bumubungad agad sa kanyang FYP (for you page) ang ChanTon videos nila pagbukas pa lang ng TikTok.
“We're really blessed and grateful for this show na nakilala talaga kami na mahusay and our craft as well. We're really thankful po sa lahat ng mga ginawa nila,” sabi ni Anton.
BALIKAN ANG HOTTEST KAPUSO LOVE TEAMS NOONG 2025 SA GALLERY NA ITO:
Samantala, sa kabila ng sweet moments ng dalawa on-cam at off-cam sa kanilang GMA Afternoon Prime series, nilinaw nina Chanty at Anton na good friends lang sila. Sabi pa ng aktor, wala pa sila sa ligawan na stage.
“Nagsisimula pa lang 'yung show, gusto ko pa siyang makilala, and para sa 'kin, we're just friends muna,” sabi ni Anton.
Ngunit para sagutin ang hypothetical question ni King of Talk Boy Abunda kung sasagutin ba ni Chanty ang aktor sakaling manligaw ito, sabi ng aktres, “Right now, hypothetically, of course, no. But if my parents will give me the blessing, why not? Yes.”
Panoorin ang panayam kina Chanty at Anton dito: