
Bagong kinakikiligan sa hapon ang tambalang Anton Vinzon at Chanty Videla sa family sports drama na Kamao dahil sa kanilang onscreen chemistry.
Ang actress at K-Pop artist na si Chanty ang love interest ng Kapuso dramatic action star na si Anton sa serye, kung saan mortal na magkaaway ang kanilang mga pamilya sa larangan ng boxing. Bagamat magkakumpitensya sa kuwento ang kanilang mga ama na ginagampanan nina Wendell Ramos at Neil Ryan Sese, hindi ito hadlang sa closeness ng mga karakter nina Anton at Chanty.
Sa exclusive GMA News interview ni Nelson Canlas kay Anton, inamin ng binata na isa sa challenges na kanyang hinarap ay ang ma-break ang ice between him and his new leading lady.
Ani Anton, "I was surprised po na si Chanty yung magiging leading lady ko and very professional po s'ya pagdating sa set, and talagang ando'n po yung hunger n'ya sa pag-arte."
Nakasama na noon ni Anton si Chanty sa serye na MAKA pero, aniya, gusto pa niyang makilala at maka-bonding lalo ang dalaga. Sa katunayan, kamakailan lang ay magkasama silang nanood ng laban ng kapwa Sparkle artist nila at boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao.
Pag-amin ng aktor, "Very awkward kami set set kasi first time. 'Uy si Chanty, K-Pop 'to, kinakabahan ako."
Sa kuwento, inamin na ng character ni Anton na si MakMak ang kanyang real feelings para kay Chloe, character ni Chanty, kaya nagdesisyon ang binata na ligawan na ito.
Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA at Kapuso Stream.
Available naman ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipinapalabas din ang family sports drama overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED FEATURE: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts