GMA Logo cast of new gma family drama kamao
What's Hot

Anton Vinzon, bibida sa bagong family drama na 'Kamao'

By Jansen Ramos
Published March 18, 2026 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nearly 5T PUJ operators, drivers in NorthMin to get P5K aid
Who is Laura Siegemund? Alex Eala’s Round of 64 opponent at the Miami Open
'Make Your Marc' celebrates its Season 3 launch with an unforgettable prize for two!

Article Inside Page


Showbiz News

cast of new gma family drama kamao


Ipinakilala na ang buong main cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Kamao,' na pagbibidahan ng Kapuso Action Hearthrob na si Anton Vinzon.

Balik-acting na ang Kapuso Action Hearthrob na si Anton Vinzon, na bibida sa bagong GMA family drama na Kamao.

Sa ginanap na story conference ng Kamao ngayong Miyerkules, March 18, opisyal na ipinakilala ang buong main cast ng upcoming series.

Makakasama ni Anton sa Kamao ang kapwa niya Mga Batang Riles star na si Bruce Roland.

Parte rin ng soap ang mga batikang aktor na sina Katrina Halili, Amy Austria, Neil Ryan Sese, Wendell Ramos, at ang ama ni Anton na si Roi Vinzon.

Mapapanood din sa Kamao ang viral content creators na sina Abdul at Marsy.

Inihahandog ng GMA Entertainment Group, ang Kamao ay isang bagong kuwentong panghapon na puno ng puso, na hango sa temang pampamilya at sports.

Ididirehe ito nina L.A. Madridejos at Richard Arellano, kasama ang associate director na si Kevin De Vela.

Ipapalabas ang Kamao sa GMA Afternoon Prime soon.