GMA Logo Anton Vinzon, Charlie Fleming
What's on TV

Anton Vinzon, crush nga ba si Charlie Fleming?

By Kristian Eric Javier
Published August 4, 2025 9:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Recto says new ecozones to provide jobs in Batangas, Iloilo
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Anton Vinzon, Charlie Fleming


Ano nga ba ang real score nina Anton Vinzon at Charlie Fleming?

Tila naupo sa hot seat si Anton Vinzon sa pagbisita nila ng amang si Roi Vinzon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 4. Tinanong kasi siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa lagay ng kaniyang puso, partikular na sa napupusuan niyang Sparkle Teen star.

Diretsahang tanong ni Boy kay Anton, “Ito ang nakakayanig na pinag-uusapan ngayon. At ang tanong; crush mo ba talaga si Charlie Fleming?”

Hindi nakasagot si Anton at sa halip ay natawa lang sila ng amang si Roi. Ngunit nang hingin ng batikang host ang opinyon ng beteranong aktor, ang sagot nito, “Mukha.”

Pagpapatuloy pa ni Roi, “Actually, ayoko namang sabihing hindi maganda si Charlie, very pretty.”

Nang hingin naman ni Boy ang komento ni Anton tungkol dito, inamin ng Sparkle Teen na malapit lang talaga sila ni Charlie sa isa't isa simula pa noong nakapasok sila sa Sparkle Teens.

Pinagpaliwanag din ni Boy si Anton kung ano ang ibig sabihin ng bansag sa kanilang “Close Friends ng Kamuning.”

Sagot ng young actor, “Nu'ng Sparkle teens po talaga, nu'ng sa Gala, siya lang po 'yung partner ko sa Sparkle Teens kaya best friend ko na po talaga siya.”

BALIKAN ANG SPARKLE TEENS NA IPINAKILALA SA GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO:


Sinubukan din ng batikang host na pasagutin kung nanligaw na ba si Anton kay Charlie bago pa ito pumasok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ngunit hindi sinasagot ng binata ang tanong. Sa ngayon, ang masasabi lang ni Anton ay magkaibigan sila.

“Nagwo-workshop na po kami, nag-e-eksena na po kaming dalawa sa workshop so 'yung closeness po talaga namin, nandu'n na, solid na,” sabi ni Anton.

Ngunit nang tanungin siya ni Boy kung nasabihan na ba niya si Charlie ng “I love you,” inamin ni Anton na hindi siya sigurado kung sasagot din ba ang aktres ng “I love you” pabalik. Pero paglilinaw ng aktor, hindi pa niya ito sinabi at iginiit na best friends lang talaga sila.