
Hindi napigilang maging emosyonal ng Kapuso Action Heartthrob na si Anton Vinzon matapos matapos makuha ang first solo lead series niya.
Solong bida ang aktor sa upcoming GMA drama na Kamao, kung saan gaganap siya bilang batang boksingero.
Sa pagbisita ng GMA News sa set ng Kamao, ikinuwento ni Anton ang kanyang naging inspirasyon sa pagbuo ng kanyang karakter na si Makmak.
Ayon sa Sparkle artist, nakatulong ang pagsali sa cast ng kanyang tatay na si Roi Vinzon na hindi gaganap na kanyang ama, kundi kanyang lolo.
Ani Anton, "Pursidong-pursido talaga ako at determinadong-determinado to work and nakapag-training na rin ako with my dad. And especially boxing, ni-research ko talaga nang buo about boxing."
Ibang-iba raw ito sa kanyang ginampanang role sa 2025 Kapuso action-drama series na Mga Batang Riles.
Sabi ni Anton, "Yes, may funny side ako dito pero more on serious, more on family talaga. Kung paano magsalita talaga si Makmak, more mature kasi may pangarap s'ya na 'di n'ya kayang iwan. Mas lalo s'yang focused, mas determinado siya sa pangarap n'ya."
Makakasama ni Anton sa Kamao ang Mga Batang Riles co-star niya na si Bruce Roland.
Parte rin ng soap ang mga batikang aktor na sina Katrina Halili, Amy Austria, Neil Ryan Sese, at Wendell Ramos.
Mapapanood din sa Kamao ang viral content creators na sina Abdul at Marsy.
Inihahandog ng GMA Entertainment Group, ang Kamao ay isang bagong kuwento tungkol sa pag-abot sa pangarap, na hango sa temang pampamilya at sports.
Mula ito sa direksyon nina L.A. Madridejos at Richard Arellano, kasama ang associate director na si Kevin De Vela.
Ipapalabas ang Kamao sa GMA Afternoon Prime soon.
RELATED FEATURE: Anton Vinzon unlocks a new era with charming 18th birthday shoot